MALAKANYAN, Maynila — Sa gitna ng negosasyon tungo sa isang global treaty para labanan ang plastic pollution na ginaganap sa Nairobi, muling idiniin ni Climate Change Commissioner Albert Dela Cruz Sr. ang kahalagahan ng mga polisiyang nagbabawal sa single-used plastic bilang paraan para matugunan ang problema ng polusyon sa ating karagatan at kapaligiran.
Nitong nakaraang taon, umabot sa 175 bansa ang nagkasundong kumplethin sa taong 2024 ang UN treaty para labanan ang pagdumi ng mga plastik sa mga karagatan at gayun din sa paglaganap nito sa hangin at pagkontamina sa mga hayop at tao. Dangan nga lang ay iba-ibang ang opinyon dito sa kabila ng malawak na consensus na sumasang ayon na kailangan ito.
Nasa 60 tinaguriang mga ‘high ambition’ na bansa, kabilang ang Pilipinas, ang nanawagan para sa pagkakaroon ng matibay na mga alituntunin na may layuning bawasan ang paggamit at paglikha ng plastik, na nagmumula sa mga fossil fuel.
Ayon kay Commissioner Dela Cruz, ang debate ukol sa kinabukasan ng plastic ay napapanahon dahil naganap ito bago magsagawa ng krusyal na pagpupulong sa klima ngayong buwan sa Dubai sa United Arab Emirates para sa 2023 United Nations Climate Change Conference or Conference of the Parties of the UNFCCC (COP28).
“Gaya ng mga kaganapan sa UN negotiations on climate and biodiversity, financing ang key point ng tensyon sa usapin ng plastik. Dati pang nagmumula ang polusyon sa mayayamang bansa ang ilan sa mga dekada ng nakatambak ng mga ito ang kanilang basura para sa recycling sa mahihirap na bansa, na kadalasan ay humahantong sa pagdumi at pagkasira ng ating kapaligiran at kalikasan,” pinunto ng opisyal.
Sa nakaraan, umiikot ang talakayan sa usapin ng plastik tungo sa zero-waste lifestyle at aksyon sa indibidwal na antas, subalit kamakailan ay napagtuunan na ang mga isyung may kaugnayan sa produksyon ng mga plastik para pag-isipan ang holistic approach sa pagtugon sa problema.
“Dumating na tayo sa punto ang mga plastik ay kabahagi ng ating pang-araw-araw na pamumuhay. Ginagamit natin ang mga plastik sa packaging ng pagkain at iba pang mga bagay, kasangkapan, damit at labis pa—at humahantong ang mga ito sa mga landfill, karagatan at maging sa hangin na ating hinihinga,” tinukoy ni Dela Cruz.
“Itinuturing ang Pilipinas bilang ikatlo sa pinakamalaking contributor ng plastic waste sa buong mundo. Umaabot sa 0.75 milyong metriko tonelada ang naitalang ocean plastic mula sa ating bansa kada taon. Binansagang ‘sachet economy’, notoryus ang ating bansa sa iresponsableng pagtatapon at paghahakot ng basura.” (TRACY CABRERA)
PINAS KABILANG SA MGA BANSANG KONTRA SA PAGGAMIT NG PLASTIK
MALAKANYAN, Maynila — Sa gitna ng negosasyon tungo sa isang global treaty para labanan ang plastic pollution na ginaganap sa Nairobi, muling idiniin ni Climate […]
PPBBM Orders Tighter School Security, Early Detection of Student Violence Risks
President Ferdinand R. Marcos Jr. has directed concerned government agencies to strengthen school security and improve the early detection of behavioral…
See full articleLibanan welcomes 5,703 new regular posts for 4Ps frontliners
House Minority Leader Marcelino “Nonoy” Libanan has welcomed the approval of 5,703 new regular positions for frontline workers of the government’s Pantawid…
See full articleDOLE outlines new protocols to protect workers amid El Niño
In line with President Ferdinand Marcos Jr.’s directive to safeguard workers from extreme heat, the Department of Labor and Employment (DOLE) has released…
See full articleBEYOND DISASTER RESPONSE, DOST PUSHES SCIENCE-DRIVEN COMMUNITY PREPAREDNESS
The Department of Science and Technology (DOST) officially opened the Luzon leg of Handa Pilipinas 2026 on October 26 at the SMX Convention Center, SM…
See full articlePag-IBIG Financed Homes Increase 15% to Over 68,000 in Nine Months, Socialized Housing Grows 173% Under Marcos’ Expanded 4PH
Pag-IBIG Fund financed over 68,000 homes in the first nine months of 2026, up 15% from the same period last year, as financing for socialized housing nearly…
See full articleFrom One Solar Light to a Life of Service
In humanitarian work, many people give their time and resources, but what distinguishes a true humanitarian is the willingness to remain committed long…
See full article