BIAP, PIDS tinalakay epekto ng panukalang excise tax hike


Ibahagi Facebook X

Tinalakay ng Beverage Industry Association of the Philippines (BIAP) President Juan Lorenzo Tañada at Senior Research Fellow ng Philippine Institute for Development Studies (PIDS) na si Dr. John Paolo S. Rivera ang posibleng epekto ng panukalang pagtataas ng excise tax sa ilalim ng PROGRESS tax package ng pamahalaan. 

Isinagawa ang talakayan sa news forum na Kapihan sa Manila Bay, na pinangunahan bilang host-moderator ni Marichu Villanueva ng The Philippine Star. 

Nanawagan si Tañada sa mga mambabatas na masusing suriin ang panukalang excise tax hike, partikular ang posibleng epekto nito sa presyo ng pagkain at inumin. 

Ayon sa BIAP, maaari rin itong magkaroon ng epekto sa maliliit na negosyo at sa milyun-milyong manggagawa na umaasa sa industriya ng inumin. 

Binigyang-diin sa forum ang pangangailangang timbangin ang mga layunin ng panukalang buwis at ang posibleng epekto nito sa mga mamimili, negosyo at manggagawa. / ((BONG SON))

Ibahagi ang kuwentong ito Facebook X

Mula sa Edisyon Ngayon