Mahigit isang libong Boholano mula sa iba’t ibang sektor sa Tagbilaran City ang nakatanggap ng tulong mula kay Senator Alan Peter Cayetano noong November 23 at 24, 2023.
Dalawang magkahiwalay na aktibidad ang naganap noong November 23 sa pakikipagtulungan ni Cayetano sa DSWD Assistance to Individuals in Crisis (AICS) program: ang isa ay nagbigay ng educational, medical, at burial assistance sa isang libong residente ng Tagbilaran, habang ang isa naman ay livelihood assistance para sa daan-daang small business owners sa lungsod.
Naging posible ang mga naturang aktibidad sa pangunguna nina Tagbilaran City Mayor Jane Yap at City Social Welfare and Development (CSWD) Head Lucille Clarin.
Ayon kay Clarin, higit na mahirap para sa mga small business owners ang kanilang sitwayson lalo na kung may mga anak na nag-aaral pa.
“Mahirap talaga ‘pag may estudyante ka at tindahan lang ang inaatupag [mo]. Mahirap lalo na kung may nagkakasakit na mga anak,” aniya.
Nagpasalamat si Filomena Kudemus kay Cayetano sa natanggap na tulong.
“Daghang salamat po, Senator Cayetano. Malaking tulong ito sa amin. Ipangbibili ko po ito ng bigas at iba pang pangangailangan namin sa bahay,” wika niya.
Kinabukasan, naghandog ng karagradang tulong ang opisina ni Cayetano kasama ang DOLE Integrated Livelihood Program (DILP) sa TODA, JODA, at Calamay Vendors ng Tagbilaran.
Ang mga sektor na ito ay miyembro ng programa ni Cayetano na tinatawag na Presyo, Trabaho, Kita/Kaayusan (PTK), isang livelihood program para sa iba’t ibang sektor na inilunsad niya noong 2013.
Bahagi ng aktibidad na ito sina dating Tagbilaran City Mayor Baba C. Yap, mga opisyal ng DOLE, at mga pangulo ng mga PTK group.
Kabilang sa mga benepisyaryo si Bobby Dilaña, isang tricycle driver, na ibinahagi ang kanyang hirap sa pagbabadyet ng kanyang 500 pisong arawang kita para sa edukasyon ng kanyang mga anak at iba pang pangangailangan.
“Apat na anak po ang aking pinapaaral sa kolehiyo, araw-araw kumakain din kami. Pinipilit ko talagang i-budget,” aniya.
Nagpasalamat din si Dilaña kay Cayetano sa pagsusulong ng kanyang PTK program sa kanilang komunidad dahil malaki aniya ang tulong nito sa mga miyembro ng kanilang TODA.
“Nasisiyahan po kami kasi nung 2014 ay nabigyan kami ni Senator Alan ng tulong sa aming TODA, at iyon po ay aming pinalago,” wika niya.
Ang mga inisyatibang ito ay bahagi ng patuloy na pagsusumikap ni Cayetano na suportahan ang mga marginalized communities sa bansa. Sa pakikipagtulungan nito sa mga ahensya ng pamahalaan at local government units, hangad nito na mas marami pang Pilipino ang maabot ng kanyang mga programa. (NIÑO ACLAN)
Tulong para sa mahigit isang libong Boholano iniabot ni Cayetano
Mahigit isang libong Boholano mula sa iba’t ibang sektor sa Tagbilaran City ang nakatanggap ng tulong mula kay Senator Alan Peter Cayetano noong November 23 […]
Grupo ng mga hog raiser nag-rally sa DA vs imported na baboy
Nagsagawa ng kilos-protesta ang grupo ng hog raiser upang igiit ang agarang hakbang ng pamahalaan para protektahan ang lokal na industriya ng pagba-baboy…
See full articleAstrotel Launches Galaxy Loyalty Card, Expands Community Support Through Alagang Astrotel
In a digital age where convenience is currency, Astrotel is redefining hospitality loyalty with the Galaxy Loyalty Card, a fully digital membership experience…
See full articleMedia Wise up there Down Under
Another year, another two coveted awards for Media Wise Communications/ Muse Books! At the conclusion of the IABC Asia Pacific Fusion 2026 Conference…
See full articleMARCOS’ EXPANDED 4PH GAINS FURTHER MOMENTUM AT SUCCESSFUL 2ND NATIONAL HOUSING EXPO 2026
President Ferdinand R. Marcos Jr. witnessed the various affordable housing options showcased at the 2nd National Housing Expo 2026, where he personally…
See full article800 HOG RAISER, INAASAHANG SASALI SA RALLY; TATLONG ARAW NA “PIG HOLIDAY,” ISASAGAWA
TINATAYANG nasa 800 hog raiser mula sa iba't ibang panig ng bansa ang inaasahang lalahok sa kauna-unahang rally friday sa harap ng tanggapan ng Department…
See full articleWork Stoppage sa mga Barko ng Atienza Inter Island Shipping Lines Inilabas na ng DOLE
PANSAMANTALANG ipinahinto ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang operasyon ng anim na barko ng Atienza Inter Island Shipping Lines na nakaangkla…
See full article