SA gusali ng senado nagpalipas ng magdamag o gabi sina Senador Ronald “Bato” dela Rosa at Robin “Robinhood” Padilla matapos magpasa ng isang resolusyon ang senado para sa preventive custody ni dela Rosa kaugnay pa din ng ihahaing warrant of arrest sa kanya na inilabas na ng International Criminal Court (ICC).
Ayon kay Padilla ginawa niyang samahan si dela Rosa upang iparamdam dito na mayroon siyang katuwang sa kanyang pinagdadaanang sitwasyon.
Nagpapasalamat naman si dela Rosa sa patuloy na suporta at dasal sa kanya ng kanyang mga tiga-suporta at naniniwala sa kanya.
Nanindigan ang solon na hihintayin niya ang desisyon ng Korte Suprema sa kanyang petisyon ukol sa warrant na ihahain sa kanya.
Tiniyak din ni dela Rosa na patuloy siyang dadalo sa lahat ng sesyon ng senado sa kabila ng hamon ng umano’y warrant of arrest.
Binigyang-diin ni dela Rosa na bilang isang Filipino ay dapat siyang litisin at kung ikukulong man ay dito sa sariling bansa natin.
Sa ngayon ay magkakaroon na lamang ng self medication si dela Rosa sa tinamo niyang sugat mula sa pakikipaghabulan sa mga tauhan ng National of Bureau of Investigation (NBI). (NINO ACLAN)
Sen. Dela Rosa, Padilla Nagpalipas ng Gabi sa Gusali ng Senado
SA gusali ng senado nagpalipas ng magdamag o gabi sina Senador Ronald “Bato” dela Rosa at Robin “Robinhood” Padilla matapos magpasa ng isang resolusyon ang […]
DOLE, NILINAW ANG KOMPENSASYON SA MGA SAKIT DAHIL SA MATINDING INIT; PROTEKSIYON SA RIDERS, TINALAKAY
Nilinaw ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga patakaran sa kompensasyon para sa mga sakit na may kaugnayan sa matinding init sa trabaho…
See full articleGrupo ng mga hog raiser nag-rally sa DA vs imported na baboy
Nagsagawa ng kilos-protesta ang grupo ng hog raiser upang igiit ang agarang hakbang ng pamahalaan para protektahan ang lokal na industriya ng pagba-baboy…
See full articleAstrotel Launches Galaxy Loyalty Card, Expands Community Support Through Alagang Astrotel
In a digital age where convenience is currency, Astrotel is redefining hospitality loyalty with the Galaxy Loyalty Card, a fully digital membership experience…
See full articleMedia Wise up there Down Under
Another year, another two coveted awards for Media Wise Communications/ Muse Books! At the conclusion of the IABC Asia Pacific Fusion 2026 Conference…
See full articleMARCOS’ EXPANDED 4PH GAINS FURTHER MOMENTUM AT SUCCESSFUL 2ND NATIONAL HOUSING EXPO 2026
President Ferdinand R. Marcos Jr. witnessed the various affordable housing options showcased at the 2nd National Housing Expo 2026, where he personally…
See full article800 HOG RAISER, INAASAHANG SASALI SA RALLY; TATLONG ARAW NA “PIG HOLIDAY,” ISASAGAWA
TINATAYANG nasa 800 hog raiser mula sa iba't ibang panig ng bansa ang inaasahang lalahok sa kauna-unahang rally friday sa harap ng tanggapan ng Department…
See full article