NANINIWALA si Senador Rodante Marcoleta na ang nakatakdang pagsasampa ng kasong plunder laban sa kanya ay bahagi umano ng planong hadlangan ang kanyang paglahok sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte na nakatakdang magsimula sa Hulyo 6.
Sa kanyang pahayag nitong Martes, Hunyo 30, sinabi ni Marcoleta na hindi niya maipagpapatuloy ang kanyang mga layunin sa Senado kung siya ay maaresto.
“Kapag ako’y kanilang inaresto, hindi na po matutuloy ‘yan. Akala po nila ay maililibing ito sa limot,” anang senador na tinutukoy ang kanyang paglilingkod at pagpapanagot sa mga aniya’y nagkasala.
“Ang isa pa pong inaasahan nila ay hindi na po ako makakasali doon sa impeachment proceedings na nakatakda pong magsimula sa susunod na linggo. Samakatuwid, dalawang ibon sa isang putok, mga kababayan,” dagdag pa ni Marcoleta.
Kinuwestiyon din ni Marcoleta ang umano’y plano na ito ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla at ang kaalaman ni Senador Ping Lacson sa naturang kaso.
“So talagang maliwanag na planado po ito, mga kababayan. Kasi dalawang linggo bago nagpahayag ang ating Ombudsman, sinabi na rin ni Ping Lacson na tila siyam pa na senador ang makukulong. Parang alam na niya ang mangyayari,” aniya.
“Gaya po nang nauna ko nang ipinahayag sa inyo, alam kong gagawin nila ito. Alam kong aarestuhin nila ako. Alam kong ikukulong nila ako. Ngunit hindi po dahilan yan para tumigil ako sa paglilingkod sa inyo,” dagdag pa ni Marcoleta.
Matatandaan naman na sinabi ni Remulla na magsasampa ang Office of the Ombudsman ng kasong plunder laban kay Marcoleta sa Sandiganbayan kaugnay ng umano’y P75 milyong campaign donations na kanyang natanggap. (Nino Aclan)
Marcoleta: Kasong plunder plano para ‘di ako makasali sa VP Sara impeachment trial
NANINIWALA si Senador Rodante Marcoleta na ang nakatakdang pagsasampa ng kasong plunder laban sa kanya ay bahagi umano ng planong hadlangan ang kanyang paglahok sa […]
Grupo ng mga hog raiser nag-rally sa DA vs imported na baboy
Nagsagawa ng kilos-protesta ang grupo ng hog raiser upang igiit ang agarang hakbang ng pamahalaan para protektahan ang lokal na industriya ng pagba-baboy…
See full articleAstrotel Launches Galaxy Loyalty Card, Expands Community Support Through Alagang Astrotel
In a digital age where convenience is currency, Astrotel is redefining hospitality loyalty with the Galaxy Loyalty Card, a fully digital membership experience…
See full articleMedia Wise up there Down Under
Another year, another two coveted awards for Media Wise Communications/ Muse Books! At the conclusion of the IABC Asia Pacific Fusion 2026 Conference…
See full articleMARCOS’ EXPANDED 4PH GAINS FURTHER MOMENTUM AT SUCCESSFUL 2ND NATIONAL HOUSING EXPO 2026
President Ferdinand R. Marcos Jr. witnessed the various affordable housing options showcased at the 2nd National Housing Expo 2026, where he personally…
See full article800 HOG RAISER, INAASAHANG SASALI SA RALLY; TATLONG ARAW NA “PIG HOLIDAY,” ISASAGAWA
TINATAYANG nasa 800 hog raiser mula sa iba't ibang panig ng bansa ang inaasahang lalahok sa kauna-unahang rally friday sa harap ng tanggapan ng Department…
See full articleWork Stoppage sa mga Barko ng Atienza Inter Island Shipping Lines Inilabas na ng DOLE
PANSAMANTALANG ipinahinto ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang operasyon ng anim na barko ng Atienza Inter Island Shipping Lines na nakaangkla…
See full article