Ipapatupad ang alternative work arrangements sa mga tanggapan ng pamahalaan sa National Capital Region (NCR) at 13 lalawigan ngayong araw, Setyembre 10, 2026, bilang paghahanda sa inaasahang patuloy na malakas na pag-ulan dulot ng pinalakas na Habagat at naipong epekto ng matagal na pag-ulan.
Sakop ng direktiba sa ilalim ng Memorandum Circular No. 135 ang NCR, La Union, Pangasinan, Benguet, Bataan, Bulacan, Pampanga, Zambales, Batangas, Cavite, Laguna, Rizal, Occidental Mindoro at Oriental Mindoro.
Ipatutupad din ang alternative learning modes para sa mga klase sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa mga nabanggit na lugar, maliban kung may ibang direktiba ang kani-kanilang local chief executives.
Patuloy namang mag-ooperate ang mga ahensyang nagbibigay ng basic at health services, disaster preparedness and response, at iba pang mahahalagang serbisyo upang matiyak ang pangangailangan ng publiko.
Tiniyak din na tatanggap ng kaukulang sahod ang mga Contract of Service (COS) at Job Order (JO) workers na saklaw ng alternative work arrangements, alinsunod sa umiiral na mga patakaran.
Samantala, nasa diskresyon ng pamunuan ng mga pribadong kumpanya ang pagsuspinde ng trabaho o pagpapatupad ng alternative work arrangements.
