P199.7-M KONTRABANDO NASABAT SA NAIA


Ibahagi Facebook X

Tinatayang P199.7 milyong halaga ng shabu, kush at liquid methamphetamine ang nasabat ng Bureau of Customs (BOC) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) matapos madiskubre sa isang shipment mula Canada na idineklarang “personal effects.” 

Pinangunahan nina BOC Commissioner Ariel F. Nepomuceno at mga opisyal ng PDEA ang inspeksyon sa mga nasabat na ilegal na droga. 

Naging susi sa pagkakadiskubre ng kontrabando ang X-ray screening at mas pinaigting na koordinasyon ng BOC at iba pang law enforcement agencies sa ilalim ng pamumuno ni BOC-NAIA District Collector Atty. Yasmin O. Mapa. Bahagi ito ng patuloy na kampanya ng pamahalaan laban sa smuggling at ilegal na droga, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. 

Dumalo rin sa inspeksyon sina Paircargo SDC Dr. Siegfred “Yeye” Manaois, Deputy Commissioner Nolasco Bathan, ESS Director Noel Estanislao, Director Thomas Narcise, Director George Aliño, Atty. Jek Casipit, CAIDTF Executive Officer Atty. Gilbert Ordoña, at iba pang opisyal. / (( BONG SON ))

Ibahagi ang kuwentong ito Facebook X

Mula sa Edisyon Ngayon