
Pinangunahan ni Manila Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso, kasama sina Vice Mayor Chi Atienza, Councilor Jhun Ibay at Councilor Awi Sia, ang turn-over ceremony para sa 10 benepisyaryo mula sa Tondo na tumanggap ng ShowMy Action Ambulant Cart bilang bahagi ng livelihood program.

May sukat na 170 sentimetro ang taas, 45 sentimetro ang lapad at 60 sentimetro ang haba, ang ambulant cart ay idinisenyo upang magamit kahit sa loob ng bahay.
Kasama rin sa livelihood package ang siomai at kalan na gagamitin ng mga benepisyaryo bilang panimula sa kanilang pagkakakitaan.

Nagpasalamat naman si Mayor Isko sa pribadong sektor sa patuloy nitong suporta at pakikiisa sa mga programang naglalayong mapalakas ang kabuhayan ng mga Manileño, lalo na ang mga pamilyang nangangailangan ng dagdag na kita.
Paalala naman ng alkalde sa mga benepisyaryo: “Sa paghahanapbuhay naman sa kalsada, ito ay hindi natin pwedeng ipagpariwara. Hindi bale tayong mahirap, hindi naman kailangang maging dugyot.” / ((BONG SON))
